GMA Logo Emil Sumangil
What's Hot

Emil Sumangil recalls one of his most memorable coverages

By Dianne Mariano
Published February 2, 2023 3:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NAPOLCOM dismisses cop over sexually suggestive content on social media
#WilmaPH spotted over waters of Can-avid, Eastern Samar
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News

Emil Sumangil


Ayon kay GMA Public Affairs host Emil Sumangil, isa sa hindi niya malilimutang coverage ay ang pagpasok niya sa loob ng isang bilangguan.

Isa si GMA Public Affairs Emil Sumangil sa mga batikang broadcast journalists ng bansa dahil sa mga mahahalaga at makabuluhang kuwentong ibinabahagi niya sa mga manonood.

Sa rami ng mga balitang naihayag ng tinaguriang “Mr. Exclusive,” mayroong mga istorya na tumatak sa kanya at isa na roon ay ang pagpasok niya noon sa loob ng isang kulungan para sa istoryang “Justiis: Condominium Behind Bars.”

Ayon sa renowned Kapuso reporter, siya ay na-assign upang gumawa ng istorya tungkol sa karanasan ng bawat bilanggong Pilipino.

“Na-experience ko na doon matulog sa loob ng kulungan. Nakita ko at naranasan kung paano sila kumain, paano sila matulog, paano sila pumunta sa palikuran,” kuwento niya.

Ang naturang istorya ay naging kabilang pa noon sa nominees ng 59th Golden Nymph Awards ng Monte-Carlo Television Festival.

Sa tuwing nakakaranas naman ng “buwis buhay” coverage ang batikang mamamahayag, lagi niyang itinataas sa Panginoon ang kanyang kaligtasan upang maipagpatuloy ang kanyang responsibilidad na ihatid sa publiko ang tunay na kuwento.

Aniya, "Ang una kong gagawin ay ipagdasal lahat sa kanya, sa Diyos Ama. Iligtas mo ako at tulungan mo ako na maihatid sa mga Pilipino, o kung sinumang manonood, ang impormasyon na kailan kakailanganin. At siya na ang magliligtas.

"Gagawin ko lang 'yung aking tungkulin na ikalat, kunin ang lahat ng klase ng impormasyon na kailangan ng taumbayan, gawing makatotohanan ito, at 'yung mga kapaki-pakinabang, iyon ang dapat kong ihatid sa himpapawid."

Para pa sa Dapat Alam Mo! host, maituturing na isang “calling” ang pagiging mamamahayag dahil inihahatid ng mga ito ang serbisyong publiko para sa mga Pilipino.

“Ibang klaseng tungkulin ang mayroon tayo rito. Maghahatid ka ng serbisyong publiko. Pagiging mata at tainga sa lahat ng pangyayari, sa anumang klaseng nangyayari sa ating bansa na kakailanganin ng kababayan nating Pilipino,” saad niya.

SAMANTALA, ALAMIN ANG IBA'T IBANG AWARD-WINNING SHOWS NG GMA PUBLIC AFFAIRS SA GALLERY NA ITO.