GMA Logo Nakarehas Na Puso
What's on TV

Emotional na eksena nina Vaness Del Moral at Ashley Sarmiento sa 'Nakarehas Na Puso,' may mahigit 1M views na!

By Aaron Brennt Eusebio
Published November 8, 2022 6:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Trump says Thailand and Cambodia agree to end fighting
Food pack, tubig at iba pa, hatid ng GMAKF sa mga nasalanta ng Bagyong Tino sa Negros Island | 24 Oras
‘Wattwatch’ o Responsableng Pagamit sa Kuryente, Gilusad sa DOE-7 | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

Nakarehas Na Puso


Napanood n'yo na ba ang nakakaantig na eksena nina Vaness at Ashley? Panoorin DITO.

May mahigit one million views na ang emosyonal na paghaharap ng mag-inang karakter nina Vaness Del Moral at Ashley Sarmiento sa GMA Afternoon Prime series na Nakarehas Na Puso.

Sa episode 19 ng Nakarehas Na Puso na umere noong October 20, nagkasagutan sina Lea (Vaness) at ang kanyang anak na si Nica (Ashley Sarmiento).

Bilang single parent, abala si Lea sa paghahanap-buhay kaya kung minsan ay hindi niya nabibigyan ng atensyon si Nica. Umabot na tuloy sa punto na sinabihan ni Nica si Lea na wala siyang kuwentang ina.

@gmanetwork Paano ba ang maging mabuting ina? Materyal na bagay, oras, pagmamahal? #NakarehasNaPuso ♬ original sound - GMA Network

Parehong may problema sa kanilang mga ina si Lea at Nica. Ang nanay ni Lea na si Amelia (Jean Garcia) ay nakulong noong bata pa ito kaya naman lumaki ito na hindi niya kapiling ang ina.

Panoorin ang buong episode ng Nakarehas Na Puso dito:

Mapapanood ang Nakarehas Na Puso, Lunes hanggang Biyernes, 4:15 p.m. sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Unica Hija.

SAMANTALA, KILALANIN PA ANG IBANG MGA KARAKTER NG NAKAREHAS NA PUSO DITO: