
Isa sa mga pinakakilalang komedyante at aktor ngayon ay ang Black Rider star na si Empoy Marquez. Ngunit pag-amin ng aktor, ginusto ma niyang maging aktor noong bata pa siya, ay hindi niya kailanman naisip na maging komedyante.
Sa latest episode ng Updated with Nelson Canlas podcast, inamin ni Empoy na hindi niya naisip na magiging artista siya. Pero inamin niyang ginusto niyang maging aktor. Aniya, elementary at highschool pa lang ay pangarap na niyang maging isang aktor dahil sa hilig niya sa panonood ng mga pelikula.
“Mahilig akong manood ng mga movies dati nu'ng araw. 'Yung mga nakakatawang pelikula nina Tito Dolphy, Babalu, Tito, VIc, and Joey. Umaabsent pa ako dati para makapanood lang. Mahilig na talaga ako, pero pangarap ko lang talaga. Perho hindi ko talaga alam na makakapasok ako dito sa mundo ng showbiz,” sabi ng aktor.
Nang tanungin siya kung kailan niya naisip mag-showbiz, pabirong sagot ni Empoy, “Nu'ng sawa na'ko sa life.”
Paglilinaw ni Empoy, hindi naman niya inisip na mag-showbiz pa. Sa halip, ilang mga kaibigan lang niya ang nagtulak na sumali siya sa isang contest kung saan siya na-discover.
“Tapos hindi ko naman alam na mananalo ako du'n, tapos hindi ko alam na tuloy-tuloy 'yung blessing,” sabi ng aktor.
Pero pag-amin ni Empoy, hindi niya talaga alam na magiging komedyante o na nakakatawa manlang siya. Kuwento niya, ang mga kakilala at kaklase lang niya ang nagsabi na nakakatawa siya.
“Wala lang, kasi nu'ng elementary ako, 'yung kinder, highschool, something ganiyan, college, 'yung paligid ko na nakapuna nu'n, 'yung mga classmate ko, kapatid ko, mga pinsan ko, mga kalaro ko nu'ng bata ako,” sabi ni Empoy.
Pagpapatuloy niya, “Meron silang napansin sa'kin na nakakatawa 'ko, e hindi ko naman napapansin. Siguro nag-evolve.”
BALIKAN ANG ILAN SA MGA SUPERSTAR COMEDIANS NA DUMALO SA GMA GALA 2024 SA GALLERY NA ITO:
Kuwento pa ni Empoy, hindi rin niya alam kung saan nanggagaling ang mga hugot at brand niya ng comedy, at sinabing maaaring organic na lumalabas sa mga kilos niya at salita ang pagiging nakakatawa niya.
“Ako kasi, ang lagi kong ano sa shooting o taping, ang pakay ko lagi, pag rehearsal, hindi ko po ibibigay sa rehearsal. Tapos pag take na, du'n ko ibibigay kaya nagugulat 'yung ibang mga direktor atsaka 'yung ibang mga kaeksena ko na nangugulat kasi minsan mas napapaganda talaga. Kasi kapag binigay mo siya sa rehearsal, parang wala na 'yung magic,” paliwanag ni Empoy.