GMA Logo Empoy in your honor
Source: Your Honor
What's on TV

Empoy, nanlaki ang mata sa bonus na natanggap sa ginawang pelikula

By Aedrianne Acar
Published June 7, 2026 10:44 AM PHT
Updated June 7, 2026 10:47 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP deploys over 55,000 cops for June 8 class opening
Did you know Europe has its own version of patis?
CDO exec alarmed by 14 tons of daily medical waste

Article Inside Page


Showbiz News

Empoy in your honor


Empoy Marquez, pumaldo sa pelikula na 'Kita-Kita' na pinagbidahan nila ng award-winning actress na si Alessandra de Rossi noong 2017.

Matinding tawa na may kasamang high blood pressure ang newest session ng Your Honor nina Chariz Solomon at Buboy Villar kasama ang resource person na si Empoy Marquez.

Binansagan sa show business ang comedian bilang "Ultimate leading man" dahil hindi na mabilang ang ilan sa mga naggagandahan na leading ladies ni Empoy sa pelikula.

Ilan sa mga nakatambal na ng former My Ilonggo Girl star ay sina Maja Salvador, Cristine Reyes, at Alessandra de Rossi.

Ang love team nila ni Alessandra ay tinangkilik ng moviegoers nang bumida sila sa Kita-Kita na kumita ng mahigit Php 300 million. Itinuturing ito na isa sa highest grossing local independent films.

Kaya naman tanong ni Madam Cha kay Empoy kung in-expect ba niya na bansagan bilang isang "ultimate leading man".


“Actually, hindi e.” Pag-amin ng komedyante.

“Kasi nga nasanay ako talaga na sidekick ng mga big stars, ng bida. Pero 'di ko talaga inaakala na magiging leading man ka balang araw. Kasi, sanay lang ako na 'yung kasama lang sa grupo ganiyan.”

“Tapos, 'di ko inaakala na someday magkakaroon ako ng leading lady, wala sa hinagap ko talaga.”

Dahil sa box office success ng Kita-Kita, kinumpirma ni Vice Chair Buboy ang mga naglabasan na tsismis tungkol sa natanggap nilang bonus ni Alex.

Sundot na tanong ni Buboy sa kanilang guest: “Totoo 'yung chika na may bonus kayong milyon?”


Sagot naman ni Empoy, “Oo, kasi hinarot lang ni Alex (Alessandra de Rossi) si Kuya PJ (Piolo Pascual) na bonus. Sabi ni Alessandra, 'baka naman tig one million lang.'”

“'Tapos after three days sa bangko namin nung pag-withdraw ko bakit may extra one M [million] na ganun.”


RELATED CONTENT: Podcast duos dominating online conversation right now