What's Hot

Empress Schuck, dinenay na naging boyfriend si Joseph Marco

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 29, 2020 4:17 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Lending firm collector, itinumba ng riding in tandem sa Maguindanao del Norte
Sunod-Sunod nga pagbuto sa Armas, Nadungog sa Senado | Balitang Bisdak
From sacrifices to smiles: 20 hardworking Pinay moms pampered on a special Davao getaway

Article Inside Page


Showbiz News



Ano ang status ng kanilang relationship noon?
By ANN CHARMAINE AQUINO

 
 
Kasabay ng paglipat ni Empress Schuck sa Kapuso network ay ang ilan sa mga issues patungkol sa kanyang career at personal life. Isa rito ang isang issue na matagal nang ikinakabit sa kanya at sa Kapamilya aktor na si Joseph Marco.
 
"Ang tagal na ng issue na 'yan. Hindi po [kami ni Joseph Marco]." pahayag ni Empress. 
 
Kumalat din umano na iniwan niya ang aktor kaya sila nagkalabuan.
 
Paglilinaw ni Empress, "Hindi ko siya iniwan, hindi, walang ganun."
 
"Naging kaibigan ko siya ng todo," natatawang dagdag ni Empress.
 
Itinanong ng mga miyembro ng press kung nagkaroon ba sila ng mutual understanding ng aktor.
 
"Hindi kasi, kapag M.U., walang I love you-han," saad ni Empress.
 
Dagdag niya, "Kapag M.U. wala pang I love you. Kapag kayo na, may I love you."
 
Idinagdag rin ng mga press kung bakit hindi na-in love nang tuluyan si Empress sa kaguwapuhan ni Joseph?
 
"Hindi po sapat 'yung kaguwapuhan."
 
"Kailangan ano talaga kami, together, bago maging kami, bago mag-I love you," giit ng aktres. 
 
Ikinuwento rin ni Empress na nagkaroon na siya ng boyfriend bago pa man siya maiugnay kay Joseph.
 
"Nagkaroon na. Wala po ngayon [na boyfriend]."