
Avisala, Encantadiks!
Nami-miss mo na ba ang mahiwagang paglalakbay ng apat na Sang'gre na sina Pirena, Amihan, Alena at Danaya sa mundo ng Encantadia? Excited ka na bang muling masaksihan ang kanilang pakikipaglaban sa mga pashnea at ang mga intense na eksenang tumatak sa puso ng mga Encantadiks?
Huwag mag-alala, Kapuso. Ngayong Oktubre, mapapanood n'yo na online ang lahat ng episodes ng Encantadia 2016 sa GMANetwork.com!
Narito ang pilot episode ng Encantadia 2016. Abangan din ang exclusive director's cut ng finale episode ngayong Nobyembre.
Kung nais balikan ang kabuuang series ng Encantadia mula 2005, patuloy na panoorin iyan dito.