
Sa mga nakaka-miss kina Mikee Quintos at Kate Valdez sa Encantadia, 'wag kayong mag-alala dahil may sorpresa sa inyo si Janice Hung na gumaganap bilang human form ni Bathalumang Ether.
Sa official YouTube channel ng martial artist-actress, isang video interview nina Mikee at Kate ang kanyang ibinahagi. Ilan sa mga naitanong ni Janice ay ang mga bagay na hindi malilimutan ng dalawang Kapuso stars sa telefantasya.
Naalala tuloy ni Mikee ang ibinigay na sumpa ni Ether sa karakter niyang si Lira noon. "So far, 'yung ginawa mo 'kong kambing. Unforgettable 'yon siyempre kasi it's something new for me. Bakal 'yung feet ko doon and it takes two hours a day [sa pag-aayos ng look ko]," natatawa niyang sagot.
Samantala, ang kakaibang experience raw na ibinigay ng Encantadia ang hinding-hindi malilimutan ni Kate. Bukod dito, may iniwan ding mensahe ang young actress sa fans ng GMA Telebabad soap. "Guys wag kayong magagalit kay Ether ha. Mabait si Ate Janice," anang gumaganap sa karakter ni Mira.
Panoorin ang kabuuan ng video interview ni Janice kina Mikee at Kate.
Courtesy of Janice Hung (YouTube)
MORE ON ENCANTADIA:
Encantadia Teaser Ep. 199: Ang pagbabalik ni Minea
LOOK: Marian Rivera is set to return on 'Encantadia'
WATCH: What you've missed from 'Encantadia's episode on April 21