GMA Logo Ricky Davao, Encantadia Chronicles Sanggre grand mediacon
What's on TV

'Encantadia Chronicles: Sang'gre,' inalala ang late actor na si Ricky Davao

By Kristine Kang
Published June 9, 2025 6:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Maki, IV of Spades, more Filipino artists make it to Dazed100 Asia
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE
Nadine Samonte undergoes geneplant cancer screen test

Article Inside Page


Showbiz News

Ricky Davao, Encantadia Chronicles Sanggre grand mediacon


Kabilang sa cast ng 'Encantadia Chronicles: Sang'gre' ang dating beteranong aktor na si Ricky Davao.

Bigatin talaga ang buong cast ng pinakahihintay na GMA superserye ngayong taon, ang Encantadia Chronicles: Sang'gre!

Sa ginanap na Sang'gre Grand Mediacon nitong June 8, muling ipinakilala isa-isa ang mga artista na magbibigay-buhay sa makulay at mahiwagang mundo ng Encantadia.

Mula sa mga minahal sa 2016 serye hanggang sa bagong henerasyon ng cast, labis ang tuwa at kilig ng Enkantadik fans na sa wakas ay nasilayan na nila ang costumes at personalidad ng bawat karakter.

Ipinakilala rin ang mga bida at kontrabida mula sa mundo ng mga mortal -- mga karakter na may kaugnayan sa buhay ni Terra (Bianca Umali). Present sa mediacon sina Manilyn Reynes, Boboy Garrovillo, Sherilyn Reyes, at Vince Maristela.

Marami ang nagulat at naging emosyonal nang isiwalat na kasama rin sa cast ang yumaong beteranong aktor na si Ricky Davao. Ginampanan niya ang karakter na si Governor Emil -- isang makapangyarihang kalaban ni Terra at asawa ni Katrina, na ginagampanan naman ni Sherilyn Reyes.

Nagbigay-pugay ang buong programa sa kanyang hindi malilimutang kontribusyon.

"We would like to ask everyone for a moment of silence as we honor and offer a prayer in remembrance of our beloved Mr. Ricky Davao, who was part of the series," sabi ni Anjo Pertierra bilang host ng event.

Espesyal ding kinilala si Ricky sa ipinasilip na full trailer ng superserye, kung saan masisilayan pa rin ng fans ang kanyang makapangyarihang pagganap.

Maraming online netizens ang nagbigay rin ng respeto sa alaala ng aktor, na isa ring premyadong direktor.

Balikan ang legacy ni Ricky Davao sa gallery na ito:

Bukod sa mga karakter sa mundo ng mga tao, tampok din ang mga bumabalik at bagong cast sa mundo ng mga diwata.

Nagbabalik ang 2016 Sang'gres na sina Glaiza De Castro (Pirena), Sanya Lopez (Danaya), at Gabbi Garcia (Alena), na kinilig na naman ang fans sa kanilang reunion on stage.

Sa kauna-unahang pagkakataon, ipinakilala rin live ang bagong karakter ni Rhian Ramos bilang Hara Mitena, ang matapang at malamig na pinuno mula sa bagong lupain ng Mine-a-ve.

Dumalo rin ang mga bagong tagapangalaga ng mga brilyante na sina Bianca Umali (Terra), Kelvin Miranda (Adamus), Faith Da Silva (Flamarra), at Angel Guardian (Deia).

Mapapanood na ang superserye Encantadia Chronicles: Sang'gre ngayong June 16 sa GMA Prime.

Tingnan ang naganap na Sang'gre Grand Mediacon at mas kilalanin pa ang kanilang mga karakter sa gallery na ito: