
Inilabas na ang kauna-unahang teaser ng much-awaited upcoming fantasy series na Encantadia Chronicles: Sang'gre sa Manila Pop Culture Convention at sa Sunday noontime show na All-Out Sundays.
Sa Instagram, inanunsyo ni Direk Mark Reyes ang premiere ng teaser sa ManiPop Con kahapon, Sabado.
“Estasectu! The #encantadiks and the rest of the kingdoms will finally get to see the next generation Sang'gres Terra, Flamarra, Adamus, and Deia unleash the powers of their gems at the #manipopcon2023” caption ng direktor sa kaniyang post.
Dito, ipinakita ang apat na bagong sang'gre na sina Terra (Bianca Umali), Flamarra (Faith da Silva), Adamus (Kelvin Miranda), at Deia (Angel Guardian) na ipinamalas ang kaniya-kaniyang kakayahan bilang mga tagapangalaga ng mga brilyante ng Encantadia.
Samantala, ipinalabas din ang teaser sa All-Out Sundays at dito, ibinahagi ni Bianca kung ano ang dapat abangan ng mga manonood sa nalalapit na action-fantasy series.
“Ang dapat po ninyong abangan ay ano nga ba ang pinakamaliki at bagong tangka. Actually, sino, ang magiging bagong kalaban,” pagbabahagi ng aktres.
Dagdag pa ni Bianca, kailangan din abangan ng mga manonood kung ano ang mangyayari sa Mundo ng Encantadia at kung paano at sino ang magliligtas dito.
BALIKAN ANG MGA NAGANAP SA STORY CONFERENCE PARA SA SANG'GRE RITO:
October nang unang i-anunsyo na kabilang si Bianca sa hanay ng mga bagong Sang'gre na mangangalaga ng mga brilyante ng Encantadia. Hindi nagtagal ay ipinakilala na rin sina Kelvin, Faith, an Angel na makakasama niya.
Nobyembre naman ibinahagi ni Direk Mark na nag-uumpisa na sila mag-shoot ng pilot episode ng serye, at ipinakilala ang ilan sa mga bago pang karakter na makakasama nila.
“Avisala from the pilot taping of #Sanggre. Meet Terra @bianxa, Akiro @vincemaristela, Cami @pamprinster, and Dina @theresemalvar,” caption niya sa post.
Panoorin ang trailer na ipinalabas sa ManiPopCon 2023 dito: