
Dumating na ang takdang panahon nang paglabas ng tunay na kapangyarihan ni Terra (Bianca Umali).
Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, aaminin ni Terra na siya ang may gawa kung bakit may nawalang food supply sa warehouse na pagmamay-ari ni Emil (Ricky Davao).
Matatandaan na ginawa ito ni Terra sa tulong ng mga kalapati at ipinamigay sa mamamayan ng Distrito VI.
Ipinasilip din ang pagkakulong ni Terra at ang pagbati ni Sang'gre Danaya (Sanya Lopez) sa kanyang kaarawan.
Samantala, magigising na si Sang'gre Pirena (Glaiza De Castro) mula sa mahabang panahon ng paghimlay.
Abangan 'yan sa Encantadia Chronicles: Sang'gre ngayong Lunes, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
KILALANIN ANG CAST NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: