GMA Logo Encantadia Chronicles Sanggre 5 billion views
What's on TV

'Encantadia Chronicles: Sang'gre,' may 5 billion views na online!

By Aimee Anoc
Published December 10, 2025 6:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cannes Film Festival will award Barbra Streisand honorary Palme d'Or
P5 increase in tricycle fare in Dumaguete City sought
Libreng papsmear at breast examination, handog ng GMAKF sa bayan ng San Miguel | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Encantadia Chronicles Sanggre 5 billion views


Mga Kapuso, avisala eshma sa patuloy na pagtutok sa 'Encantadia Chronicles: Sang'gre.'

Patuloy na namamayagpag hindi lang sa telebisyon kundi pati online ang GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre.

Noong Martes (December 9) sa ika-127 episode ng Sang'gre, bagong milestone ang nakamit ng hit fantaserye na mayroon na ngayong five billion views across all digital platforms.

"5 bilyong patunay ng ating lakas. Avisala eshma sa inyong suporta!" pasasalamat ng Encantadia Chronicles: Sang'gre sa kanilang Facebook page.

Ilan sa may matataas na views online ay ang kakulitan nina Lira at Mira, trailers, behind-the-scenes, at inabangang moments ng new gen Sang'gres.




Bukod dito, patuloy rin na nananalo sa ratings ang Sang'gre. Noong Martes, nakapagtala ito ng 11.3 combined ratings base sa preliminary/overnight data ng NUTAM People Ratings ng pinagkakatiwalaang market research firm na Nielsen Philippines.

Ngayong Miyerkules, abangan ang paghaharap ng mga Sang'gre at ng Bathala ng Kadiliman na si Gargan sa mundo ng mga tao.

Subaybayan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

RELATED CONTENT: Mikee Quintos, ipinakita ang behind-the-scenes sa set ng 'Sang'gre'