
Isang bagong parangal ang natanggap ng GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre!
Nitong Linggo (January 11) sa musical-variety show na All-Out Sundays, masayang iginawad ang mga nanalo sa kauna-unahang GMANetwork.com Awards 2025.
Kabilang sa mga pinarangalan ang tinatangkilik na superserye na nanalo bilang Kapuso Primetime Drama Series of the Year. Tinanggap ang award ng Sang'gre stars na sina Faith Da Silva, Angel Guardian, at Kelvin Miranda.
"Maraming, maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at sana'y 'wag po kayong magsawa na patnubayan ang aming show at programa. Para sa inyo 'yan," ani Kelvin.
Sa isang panayam kasama ang GMANetwork.com, muling nagpahayag ng labis na pasasalamat si Kelvin para sa suportang patuloy natatanggap ng superserye.
"Syempre gusto kong magpasalamat sa GMA Network.com Awards 2025, para sa recognition na ito. At hindi lang po ito para saakin, kung hindi sa buong Encantadia Chronicles: Sang'gre family po namin," pahayag niya.
Ayon kay Kelvin, ang parangal ay patunay ng pagtangkilik at suporta ng Encantadiks at Kapuso viewers sa programa. Kaya naman iniaalay din ng buong team ang award para sa kanila.
"Maraming, maraming salamat po sa lahat ng Kapuso natin at ating mga ka-Encantadiks. Sana huwag po kayong bumitaw at patuloy lang kayong sumabaybay hangang sa kaya natin ito ipaglaban. So, maraming salamat and Godbless everyone."
Dagdag pa niya sa isang panayam kasama ang GMA Integrated News, "Patuloy po naming sinisikap na paghusayan at ang aming pananaliksik para sa inyong mga kagustuhan this 2026."
Subaybayan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Tingnan ang ibang winners sa GMANetwork.com Awards 2025 dito: