GMA Logo Encantadia Chronicles Sanggre reaches 800 million views
Photo by: Encantadia Chronicles: Sang'gre FB
What's on TV

'Encantadia Chronicles: Sang'gre', umani ng 800 million views online

By Kristine Kang
Published July 17, 2025 5:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Physical: Asia star Robyn Brown wins silver, Olympian Lauren Hoffman takes bronze in SEA Games 400m hurdles
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Encantadia Chronicles Sanggre reaches 800 million views


Avisala eshma, mga Kapuso!

Umaapaw ang pagmamahal at suporta ng fans para sa GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre!

Mula pa sa pilot episode, tuloy-tuloy ang pagtangkilik ng viewers sa bagong kabanata ng iconic fantasy series.

Hindi lang ito ramdam sa television ratings, kundi maging sa digital platforms!

Sa loob lamang ng isang buwan, umabot na sa 800 million views ang videos ng Encantadia Chronicles: Sang'gre sa social media.

Kitang-kita ang Encantadia fever sa Facebook, Instagram, X (dating Twitter), YouTube, at pati na rin sa TikTok.

Labis ang pasasalamat ng buong cast at production team sa natamong record-breaking milestone, na lahat ay dahil sa walang sawang suporta ng viewers at loyal Encantadiks.

Abangan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.

Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

Samantala, huwag palampasin ang kaabang-abang na The Sang'gre Experience na gaganapin ngayong Linggo (July 20), mula 10:00 a.m. hanggang 5:00 p.m. sa Gateway 2, Quantum Skyview, Araneta City.

Libre ang entrance at maaaring sumali ang lahat sa fun activities, tulad ng pagkakataong makita ang cast at mga kaharian ng Encantadia.

KILALANIN ANG CAST NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: