
Nagpakitang gilas at ng paghanga ang fans ng Encantadia Chronicles: Sang'gre nang maghandog sila ng obra para sa mga bida ng naturang fantaserye.
Sa report ni Ian Cruz sa “Pusuan Na 'Yan” segment ng State of the Nation nitong Huwebes, June 26, ibinida niya ang ilang artwork na likha ng fans ng serye, na kilala rin bilang mga Encantadiks.
Gumawa ng painting si Denver Balbaboco tampok ang mga 2016 Sang'gre na sina Alena (Gabbi Garcia) at Pirena (Glaiza De Castro). Kumuha siya ng inspirasyon mula sa sining ng pre-colonial period. Aniya, inilapit niya ang istilo ng painting sa kultura at mitolohiyang Pilipino.
Source: State of the Nation
Japanese Chibi forms na pigura naman ng mga bagong henerasyon ng Sang'gre na sina Faith Da Silva, Angel Guardian, Kelvin Miranda, at Bianca Umali ang ginawa ni Clay Puff. Meron din siyang bersyon para sa OG Sang'gres ngunit sinabing parte lang ito ng kaniyang personal na koleksyon.
Source: State of the Nation
Ang netizen na si Joannah Paula De Leon, may ginawang fan art ng mga bagong henerasyon ng Sang'gre na sina Flammara, Deia, Adamus, at Terra. Gamit ang canvas na abaca bilang tribute sa mga magasasaka. Gumamit naman sia ng kape at acrylic bilang mga pintura.
Source: State of the Nation
Digital art naman ng apat na Sang'gre ang ginawa ng netizen na si Myka Vargasartssimist bilang pagpapakita ng paghanga sa bagong serye. Aniya, halos apat na oras ang inabot ng bawat obra ng mga tagapagmana ng brilyante.
Source: State of the Nation
Abangan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, gabi-gabi 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV. Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa Facebook at YouTube.
Panoorin ang naturang report dito:
KILALANIN ANG POWERFUL CAST NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: