
Nakatulong daw ang kanyang current show dito. Paano kaya?
Gusto ng Encantadia actress na si Gabbi Garcia na gumanap ng mas mature roles ngayong 18 years-old na siya.
Sa panayam ni Iya Villania kay Gabbi sa kanyang debut party sa Marriott Hotel Grand Ballroom sa Pasay City, ngayong Martes (December 6), sinabi ng Kapuso actress na unti-unti na daw ito nangyayari sa pamamagitan ng Encantadia.
Saad niya, “In my life maybe kailangan mas maging lady-like na ako ngayon. I have to be more mature and also for my career naman, medyo graduate na ako sa tweetums role.”
Dagdag niya, “Starting right now sa Encantadia so, sana tuloy-tuloy na. I’m challenged.”
Simple lang din ang hiling ng magandang dalaga para sa kaniyang birthday.
Ayon kay Gabbi, “Good health of course it’s number one and I wish that my family will be happier and also my fans won’t leave me and maging loyal lang sila. Super happy na ako. It’s just simple; I can’t ask for more. Eerything is here na, I’m really blessed. Right now, I’m very thankful lang talaga for everything.”
MORE ON GABBI GARCIA'S DEBUT:
WATCH: Gabbi Garcia, sinukat ang isa sa kanyang tatlong debut gowns na gawa ni Mark Bumgarner
EXCLUSIVE: Debutante Gabbi Garcia gives a sneak peek at her first gown for the evening
READ: Ano ang pinakaaabangan ni Gabbi Garcia sa kaniyang debut party ngayong gabi?