
Good vibes ang hatid ng ilang Encantadiks na nag-ala Sang'gre at kinarir na gayahin ang costume ng paborito nilang cast sa Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Una na rito ang content creator na si Angkol Porky na talaga namang todo bigay sa kanyang Sang'gre costumes. Kinaaaliwan din ang kanyang mga nakatutuwang content habang naka-Sang'gre costumes.
Hindi lang mga Sang'gre ang ginaya ni Angkol Porky dahil nag-ala Mitena rin ito at may sariling Batis ng Katotohanan.
Sa TikTok, kinaaliwan ng netizens ang "baha version" sa Batis ng Katotohanan ng content creator na si josh_pelayoph, kung saan literal na may humiga sa tubig at nag-ala Mukha.
@josh_pelayoph Ang Batis ng katotohanan! #BahaVersion #Baha #Encantadia #sangre #gmanetwork ♬ original sound - RM, JOSH
Hindi naman pinalagpas ng Encantadiks na si Ariel Tanhueco ang pagkakataon na makita ang paborito niyang Sang'gre characters sa naganap na "The Sang'gre Experience."
Nakisaya ito sa event habang naka-Mitena costume at nagkaroon din ng chance na makapagpa-picture kay Rhian Ramos at mahawakan ang esperanto ni Mitena.
Patuloy na subaybayan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
SAMANTALA, TINGNAN ANG BEHIND THE SCENES NG SANG'GRE CAST MULA SA MUNDO NG MGA TAO RITO: