GMA Logo Enchong Dee, Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
What's Hot

Enchong Dee, may gustong makitang Kapuso sa 'PBB Celebrity Collab Edition'?

By EJ Chua
Published March 8, 2025 2:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Drone strikes on Sudan kindergarten, hospital kill dozens —local official
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu
XG's Cocona undergoes top surgery, comes out as AFAB transmasculine non-binary

Article Inside Page


Showbiz News

Enchong Dee, Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition


Sinu-sino kaya ang Kapuso artists na gusto ni Enchong Dee na maging parte ng 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition'?

Game na game na pinangalanan ng Kapamilya star na si Enchong Dee ang mga Kapuso na gusto niyang mapabilang sa bagong season ng Pinoy Big Brother.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Enchong Dee, ramdam ang excitement niya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, ang newest at big collaboration project ng GMA at ABS-CBN.

RELATED CONTENT:Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition: Pasilip sa Kapuso at Kapamilya Celebrity Housemates

Masaya niyang inilahad kung sinu-sino ang Kapuso o Sparkle artists ang gusto niyang makita sa loob ng Bahay ni Kuya. Kabilang sa mga ito ay ang real-life Kapuso couple na sina Megan Young at Mikael Daez, na soon-to-be parents sa kanilang baby boy. Nabanggit din ng actor-host ang mga pangalan nina Dennis Trillo, Kyline Alcantara, at Cassy Legaspi.

Samantala, si Enchong ay mapapanood bilang host ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, kasama sina Bianca Gonzalez, Gabbi Garcia, Robi Domingo, Kim Chiu, Melai Cantiveros-Francisco, Alexa Ilacad, at Mavy Legaspi.

Huwag palampasin ang mga kaganapan sa bagong collaboration project ng GMA at ABS-CBN, ipalalabas na sa darating na March 9.

Tumutok at abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platform ng GMA at ABS-CBN.