GMA Logo Dingdong Dantes and Marian Rivera in 'Endless Love'
What's on TV

Endless Love: Muling pagkikita nina Johnny at Jenny | Week 2

By Aaron Brennt Eusebio
Published June 23, 2021 2:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Napoles gets reclusion perpetua anew after Sandiganbayan convicts her for malversation
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes and Marian Rivera in 'Endless Love'


Matapos ang mahabang panahon, muling nagkrus ang landas nina Johnny at Jenny sa 'Endless Love.'

Sa ikalawang linggo ng Endless Love, muli nang nagkrus ang landas nina Johnny (Dingdong Dantes) at Jenny (Marian Rivera) matapos ang mahabang panahon.

Noong mga bata pa kasi sina Johnny (Kristoffer Martin) at Jenny (Kathryn), nagkahiwalay sila dahil pumunta ng Amerika ang pamilya ni Johnny.

Sa mga huling sandali nilang magkasama, nangako sina Johnny at Jenny na hindi nila kalilimutan ang isa't isa.

Matapos ang mahabang panahon, bumalik sa Pilipinas si Johnny upang hanapin si Jenny kaso ay hindi na niya ito mahanap. Lumipat na ng bahay si Jenny at ang kanyang inang si Suzy (Janice de Belen) at nakatatandang kapatid na si Jojo (Gabby Eigenmann).

Habang nagtatrabaho si Jenny bilang housekeeping sa isang resort, nakilala niya rito si Andrew Tantoco (Dennis Trillo), ang mayamang anak ng may-ari ng resort.

Tila nagkagusto si Andrew kay Jenny dahil siya na mismo ang nag-request na si Jenny ang gawin niyang personal maid. Nakita naman ni Johnny si Jenny habang nakasakay ito sa bangka papuntang kabilang isla.

Dahil dito, pinagplanuhan ni Johnny na bumisita sa kabilang isla at tumira sa resort ng kaibigan niyang si Andrew. Magkrus na kaya ang landas nina Johnny at Jenny?

Patuloy na panoorin ang Endless Love, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad pagkatapos ng First Yaya.

Samantala, narito ang ilan pa sa mga bida ng Endless Love at kung ano na ang kanilang ginagawa ngayon: