
Sa Tadhana: Rom and Julie, nagsimula sa asaran ang pagkakaibigan nina Rom (Kristoffer Martin) at Julie (Lianne Valentin).
Nagbago ang lahat ng matuklasan ni Julie na pinagatataksilan siya ng kanyang boyfriend at best friend.
Sa gitna ng kanyang hinanakit, hindi niya inasahan na ang inaakalang bad boy ng lahat na si Rom ang magiging knight in shining armor ni Julie.
Tila ang nabubuo nilang pagkakaibigan, nauuwi na sa isang pag-iibigan.
Tuluyan na kaya maging lovers ang dating magkaaway? O may maging hadlang pa sa kanilang pagkakamabutihan?
Samahan si Kapuso Primetime Queen sa kuwento ng Tadhana: Rom and Julie Part 2 ngayong Sabado, 3:15 p.m. sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs' Facebook and YouTube livestream.