GMA Logo EA Guzman at Shaira Diaz
What's on TV

Engaged couple EA Guzman at Shaira Diaz, may nakakikilig na mensahe sa isa't isa

By Maine Aquino
Published February 10, 2025 6:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

What to do with leftover food from New Year's Eve?
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

EA Guzman at Shaira Diaz


Alamin ang nakakikilig na mensahe nina EA Guzman at Shaira Diaz para sa selebrasyon ng 'Family Feud' ng Valentine's Day.

Napanood ang nakakakilig na mensahe nina EA Guzman at Shaira Diaz sa Valentine week ng Family Feud.

Sa episode na ito, nagbigay ng mensahe si EA sa kaniyang soon-to-be wife na si Shaira. Sina EA at Shaira napabalitang ikakasal sa darating na Agosto ngayong 2025.

Ani EA, "Year 2013, every year na kitang nakakasama sa Araw ng mga Puso. Pero sasabihin ko sa 'yo, kahit araw-araw or every year ang Valentine's Day, hindi ako magsasawa na ikaw ang palagi kong kasama."

Dugtong pa ni EA, "Habangbuhay 'to, I love you so much."

RELATED GALLERY: EA Guzman and Shaira Diaz to wed in August 2025


May sweet na mensahe rin si Shaira pa sa kaniyang fiancé na si EA.

Saad ni Shaira, "Excited na akong maging bride mo, maging misis mo, at maging habangbuhay mo. I love you too."

Subaybayan ang iba pang episodes ngayong Valentine week ng Family Feud!