
Napukaw ang atensyon ng mga netizens sa pinakabagong webisode ng Queen of All Media na si Kris Aquino this week.
READ: Kris Aquino reveals 25 things you don't know about her
Sa naturang video na naka-upload sa Instagram account niya, pinag-usapan ni Kris ang ilan sa mga paborito niyang pabango.
Pero hindi nakatakas sa mga matatalas na mata ng mga netizens ang suot na singsing ng celebrity TV host/actress.
Isa dito ang diretsahan tinanong ang Queen of All Media kung engagement ring ba ang suot niya sa webisode.
Ayon kay Kris, ang tinutukoy na dalawang singsing ng netizen ay mula sa kaniyang pamilya.