
Tampo sa isang board game ang mga kinalakihan nating Philippine mythological creatures gaya ng Tikbalang, Diwata, at maging ang ilang mga Bayani.
Ang board game na tinawag na 'Engkanto' ay nilikha ng isang Australian national na si Dwaine Woolley.
Source: Dwaine Woolley
Sa interview sa State of the Nation, ikwinento ni dating Eat Bulaga Foreignoy contestant na si Dwaine na matagal na rin siyang naninirahan sa Pilipinas, partikular na sa probinsya ng Leyte, kaya nagkaroon na siya ng malalim na interes sa kulturang Pinoy.
“Hindi naman lahat ng tao sa Leyte. Pero may ibang tao sa Leyte na very superstitious and then, yung mga engkanto, malaki ang ang effect nila sa superstition na yan. They believe na, they do something a certain way, and they will be haunted by an engkanto.”
Source: State of the Nation/ GMA News
Ginamit daw ni Dwaine ang mga kwentong ito sa paggawa ng board game na 'Engkanto' dahil bata pa lang mahilig na siya sa mythology at folklore.
“Nung 12 years old ako mahilig talaga ako sa mga board games, gumawa ko ng board games, sarili kong design ganun. Ngayong lumaki na ako, gumawa ako ng board game na Filipino-themed” kwento pa ni Dwaine.
Sa mechanics ng board game, pwede ang apat na player at dahil role playing game ito, pwede kang mamili ng iyong character o Bayani para labanan ang mga masasamang elemento o engkanto.
Source: State of the Nation/ GMA News
Kabilang sa mga character na pwede mong piliin ay sina Malakas, Maganda, Maria Makiling, at Lapu-Lapu. Napili niya raw ito dahil sila ang mga Bayani at Diwata na may sariling lakas at special powers.
Ang board game ay may iba't ibang mapa at lokasyon sa Pilipinas na pinaniniwalaang pugad ng mga elemento. Kailangan daw ikutin ito ng bawat player.
Source: Dwaine Woolley
“The 'Engkanto' board game is a big campaign. So, hindi mo kayang tapusin ang buong board game sa isang upo lang. Siguro isang map would take about 45 minutes to 1 hour.” paglilinaw ni Dwaine.
Para kay Dwaine, patunay daw ang 'Engkanto' sa mayamang kultura ng mga Pilipino.
Sa ngayon, abala rin si Dwaine sa pag-aasikaso sa kaniyang pamilya at bilang isang content creator sa YouTube.