What's on TV

'Engkanto,' susunod sa 'Karelasyon'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 19, 2020 7:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ahtisa Manalo returns to hometown in Quezon
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News



Mag-amang nawalay sa isa't isa, magkakalapit ang loob subalit magkakalayo ng dahil sa isang misteryo.

Ilang buwan bago mag-balik sa ibang bansa, nakasama ng OFW na si Tatay Andrei ang “special child” na si Bien. Naisip niya kaseng isama ang anak sa probinsya upang manghuli ng mga bayawak. Ngunit habang sila ay nasa gubat, matutunton nila ang isang kuweba kung saan magagambala ang isang diumano engkanto.

Upang mailayo ang anak sa anumang masamang maaring mangyari rito, inalay ni Tatay Andrei ang kanyang sarili sa anumang nais ng kinatatakutang at pinangangambahang nilalang sa gubat. At Ito na nga ang magiging hudyat sa sunod-sunod na misteryong darating sa kanilang pamilya.

Ito ang una sa apat na espesyal na kuwentong handog ng Karelasyon ngayong Oktubre – ang Karelasyon Halloween Series kung saan tampok ang mga kwento ng relasyong binalot ng kababalaghan, lagim o misteryo.

Abangan sa episode na ito ang batikang aktor na si Philip Salvador, kasama si Sharmaine Arnaiz at si Mikoy Morales bilang special child na si Bien . Tampok din sina Lou Veloso, Mikoy Morales, Elle Ramirez, at Prince Clemente, mula sa panulat ni Ralston Jover at direksyon ni Adolf Alix, Jr.

Mapapanood ang Karelasyon kasama si Ms Carla Abellana tuwing Sabado pagkatapos ng #Like.