GMA Logo Bamboo Flowers movie in I heart Movies digital channel
What's on TV

Ensemble drama film na 'Bamboo Flowers,' tampok sa I Heart Movies

By Marah Ruiz
Published June 24, 2024 10:00 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Dizon: I have not authenticated the so-called Cabral files
Over 20,000 passengers logged in NegOcc on holiday rush
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

Bamboo Flowers movie in I heart Movies digital channel


Kabilang ang drama film na 'Bamboo Flowers' sa mga pelikulang mapapanood sa I Heart Movies ngayong linggo.

Isang ensemble drama film ang hindi dapat palampasin ngayong linggo sa digital channel na I Heart Movies.

Mula sa direksiyon ni Maryo J. delos Reyes at panulat ni Aloy Adlawan, kumuha ng inspirasyon mula sa bulaklak na namumukadkad lamang bago tuluyang mamatay ang isang kawayan. Ito ang tema ng pelikulang Bamboo Flowers.

Kuwento ito ng buhay ng iba't ibang tao sa Bohol na humaharap sa maraming pagbabago na nakakaapekto sa kanilang buhay.

Tampok sa pelikulang ito sina primetime action hero at Black Rider star Ruru Madrid, Mylene Dizon, Max Collins, Irma Adlawan, Miggs Cuaderno, Barbara Miguel at marami pang iba.

Abangan ang Bamboo Flowers sa June 25, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Huwag ring palampasin si Rhian Ramos bilang ang bidang kontrabida sa My Kontrabida Girl.

Gaganap siya rito bilang Isabel, isang sikat aktres na nakilala sa pagiging kontrabida sa mga soap opera.

Pagkatapos ng isang near death experience, hindi na makakayanan ni Isabel na magmaldita sa harap ng camera!

Para muling mahanap ang motivation bilang isang kontrabida, hahanapin niya ang taong pinaka nanakit sa kanya: ang ex-boyfriend niyang si Chris, played by Aljur Abrenica.

Tunghayan ang My Kontrabida Girl, June 26, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.