
Isang star-studded ensemble film ang hindi dapat palampasin ngayong linggo sa digital channel na I Heart Movies.
Mapapanood dito ang Biyaheng Lupa, na mula sa panulat at direksyon ng award-winning screenwriter na si Armando "Bing" Lao.
Ilalahad dito ang iba't ibang kuwento ng mga pasahero ng bus mula Maynila patungong Bicol.
Kabilang sa mga bigating cast nito sina Jaclyn Jose, Coco Martin, Eugene Domingo, Shamaine Buencamino, Susan Africa, Julio Diaz, Alan Paule, Andoy Ranay, Archie Adamos, Mercedes Cabral, at Angel Aquino.
Abangan ang Biyaheng Lupa, April 14, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Huwag din palampasin ang action-thriller film na Banal na directed by GMA News reported Cesar Apolinario.
Tungkol ito sa magkaibigang pulis na may magkaibang pananaw sa buhay. Masusubok ang kanilang pagkakaibigan dahil sa isang terrorist plot.
Tampok sa pelikula sina Christopher de Leon, Paolo Contis, at Alfred Vargas.
Abangan ang Banal, April 17, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.