
Humahakot ng maraming views sa TikTok account ng GMA Network ang isa sa mga video ng Sparkle stars na sina Ashley Sarmiento at Marco Masa.
Related gallery: The many times Ashley Sarmiento and Marco Masa made us go kilig
Mapapanood sa naturang video ang cute at makulit na version ng AshCo (Ashley at Marco) sa TikTok trend na tinatawag ng netizens 'Pagod na pagod.'
Kinagiliwan ng fans at netizens ang sabay na pagsayaw ng dalawa habang sila ay nasa set ng Akusada, ang kinabibilangan nilang serye ngayon sa GMA Afternoon Prime.
Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 210,000 views at 15,000 likes ang video nila sa TikTok.
@gmanetwork #AshCo, pagod na pagod na?! 😰😆 #Akusada #AshleySarmiento #MarcoMasa ♬ original sound - GMA Network
Bukod dito, trending at patuloy pa ding patok sa video-sharing app ang kulitan moments nina Ashley at Marco kasama ang iba pa nilang co-stars sa intense drama series.
Samantala, huwag palampasin ang susunod pang mga intense na eksena sa 2025 drama series na Akusada, weekdays 4:00 p.m., sa Kapuso Stream at GMA Afternoon Prime.
Maaaring balikan at panoorin ang full episodes nito sa gmanetwork.com/Akusada.
Related gallery: On the set of 'Akusada'