Article Inside Page
Showbiz News
Tuloy-tuloy pa rin ang pag-ungkat sa love life ni Enzo Pineda lalo na ngayon na single na siya. Pero may mga balitang kumakalat na may special girl na muli si Enzo.
By ANN CHARMAINE AQUINO
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
Tuloy-tuloy pa rin ang pag-ungkat sa love life ni Enzo Pineda lalo na ngayon na single na siya. Pero may mga balitang kumakalat na may special girl na muli si Enzo.
Matapos ang paghihiwalay nina Enzo at Louise delos Reyes,
marami ang nagtatanong kung nagkamabutihan ba sila ni Kylie Padilla. Sa isang panayam inamin ni Enzo kung sino talaga ang kanyang special someone.
Pahayag ni Enzo, "I've been dating. [She is] non-showbiz".
Natatakot nga ba si Enzo na magmahal muli ng someone from showbiz?
"Hindi naman. Siguro ano, I just want someone different, alam mo 'yun? Para maiba naman," seryosong sagot nito.
May usap-usapan rin na ang kanyang dine-date ay isang Atenista.