
May comeback agad ang GMA Prime wartime family drama na Pulang Araw sa ating mga telebisyon ngayong 2025.
Matapos ang epic finale nito na talagang naglabas ng iba't ibang emosyon mula sa mga manonood, muling matutunghayan ang huling linggo ng Pulang Araw sa isang special recap episode.
Pinamagatang Pulang Araw: Ang Huling Yugto, matutunghayan dito ang pakikipaglaban nina Eduardo (Alden Richards), Adelina (Barbie Forteza), Teresita (Sanya Lopez), Hiroshi (David Licauco), at Col. Yuta Saitoh (Dennis Trillo) para sa bayan at pag-ibig sa huling mga araw ng World War II.
Abangan ang Pulang Araw: Ang Huling Yugto, January 3, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
Maaari rin itong panoorin online sa Kapuso Stream.