What's on TV

Episode ng sagutan nina Kate Valdez at Athena Madrid sa 'Unica Hija,' nakakuha ng mataas na ratings

By Jansen Ramos
Published December 22, 2022 5:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

After bumping into motorcycle in QC, fleeing van mobbed by bystanders
Usa ka SUV natagak paingon sa Mangrove Area sa Cordova | Balitang Bisdak
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News

kate valdez and athena madrid in unica hija


Si Athena Madrid ang bagong kinaiinisang karakter sa 'Unica Hija.'

Hindi lang isa, kundi apat ang kontrabida ni Kate Valdez sa pinag-uusapang drama sa hapon na Unica Hija.

Bukod kay Bernard Palanca, at kina Faith Da Silva at Maricar De Mesa na gumaganap na mag-ina sa serye, si Athena Madrid ang bagong kinaiinisang karakter sa palabas.

Gumaganap ang nakababatang kapatid ng aktor na si Ruru Madrid na Aica na karibal ni Hope kay Ralph sa GMA afternoon drama. Si Kate ay lumalabas na Hope, samantalang si Kelvin Miranda ay lumalabas na Ralph.

Sa December 20-episode ng Unica Hija, nagkaroon ng sagutan sina Hope at Aica na sinubaybayan ng mga manonood.

Dito ay minaliit ni Aica si Hope at sinabihang pineperahan at ginagamit lang si Ralph matapos itong tulungan ng binata. Dating nakarelasyon ni Hope si Ralph pero wala silang label.

Hindi naman natakot si Hope kay Aica at sinagot ang mga paratang na ibinabato sa kanya.

Binantaan pa si Hope ni Aica na layuan si Ralph dahil, aniya, ang ina ni Ralph na si Tamara (Issa Litton) ang makakalaban ni Hope.

Ang nasabing episode ay nakakuha ng 9.6 percent rating, na pinakamataas na rating na nakuha ng Unica Hija to date.

Patuloy na subaybayan ang Unica Hija weekdays, 3:25 p.m., pagkatapos ng Abot-Kamay Na Pangarap sa GMA Afternoon Prime.

Ang livestreaming ng serye ay available sa GMANetwork.com at sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.

Kung ma-miss mo man ito, maaaring i-stream ang full episodes at episodic highlights ng Unica Hija at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.

TINGNAN ANG MASAYANG SET NG 'UNICA HIJA' SA GALLERY NA ITO: