
Panalo ang Christmas present ng fastest-growing comedy channel in the Philippines na YouLOL ngayong December, dahil patok ang ilan sa episodes ng Pepito Manaloto from Book One.
Pasok sa trending list ng YouTube Philippines ang dalawa sa full episodes ng sitcom ng bida nating milyonaryo kung saan bagong yaman palang si Pepito (Michael V.) matapos manalo sa lotto.
Matatandaan na natapos ang Book One ng multi-awarded sitcom noong March 2012 at pagdating ng buwan ng Setyembre bumalik ang high-rating comedy program. Hanggang ngayon ay kinahuhumalingan pa rin ito ng mga manonood tuwing Sabado ng gabi.
Kaya naman, taos-puso ang pasasalamat ng mga netizen na nabigyan sila ng pagkakataon na balik-balikan ang nakaka-good vibes na mga eksena noon sa Pepito Manaloto.
At para sa ultimate throwback ng Pepito Manaloto, heto at balikan naman ang ilang milestone at pagbabago na naabutan ng flagship comedy program ng GMA-7 sa loob ng 10 taon!
Happy 10th anniversary, Pepito fam!
Related content:
The future is with 'Pepito Manaloto'
Pepito Manaloto: 10 years after