What's on TV

Epy Quizon at Candy Pangilinan, gaganap bilang Mr. & Mrs. Hinala

By CHERRY SUN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 1, 2020 2:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE- Sinulog Festival 2026 | GMA Integrated News
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News



Kilalanin sila sa 'Dear Uge' ngayong Linggo. 

Tama o maling hinala? Ito ang susubukang bigyang-linaw ni Leila Dilim, katauhan ni Eugene Domingo, sa kuwentuwaan ngayong Linggo, July 24, sa Dear Uge.

Dahil sa mga masamang karanasan noon ay naging suspetsoso ang mag-asawang sina Glenn at Lorie Sevilla na gagampanan nina Epy Quizon at Candy Pangilinan.

Ang tinaguriang Mr. & Mrs. Hinala, iba ulit ang pakiramdam tungkol sa kanilang kapit-bahay na si Mr. Juan na bibigyang-buhay ni Roi Vinzon. Mag-iiba ang pananaw ng mag-asawa dahil sa kabaitan at pagkagalanteng ipinapakita sa kanila nito.

Pero tama o mali nga kaya ang hinala nila? Alamin ‘yan ngayong Linggo, July 24, sa Dear Uge pagkatapos ng Sunday PinaSaya.