GMA Logo voltes v legacy characters
What's on TV

Epy Quizon, kinaaliwan sa 'Voltes V: Legacy'

Published May 30, 2023 1:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

UAAP: FEU sweeps NU for 3-0 start in men’s volleyball; UE snaps 23-game skid at Adamson’s expense
GMA Network searches for new singing stars
Philippine classic 'Noli Me Tangere' set for Arabic translation

Article Inside Page


Showbiz News

voltes v legacy characters


Hindi maitatangging may pinagmanahan pagdating sa pagpapatawa si Epy Quizon na tinawag ng ilang 'Voltes V: Legacy' viewers na 'Zuhl-phy,' kombinasyon ng character name niya sa serye at pangalan ng ama niyang si Dolphy.

Maraming napatawa sa gitna na ng aksyon ang maikling banter nina Zuhl at Draco sa pinag-uusapang serye sa gabi na Voltes V: Legacy.

Sa May 29-episode ng GMA Telebabad series, napanood ni Zuhl (Epy Quizon) mula sa screen sa kanilang Boazanian Skyrook ang pambabato ni Mary Anne (Carla Abellana) sa kanilang skullship.

Umilag naman si Zuhl habang nakikita niya lang sa monitor si Mary Anne na malayo ang pagitan sa kanila at sinigawan ng "tanga."

Binanatan naman siya ni Draco (Carlo Gonzalez) at sinabing, "Mas tanga ka, umilag ka e."

Ang simpleng eksena na ito ay kinaaliwan ng maraming viewers.

Sa katunayan, tinawag pa si Epy bilang "Zuhl-phy" o pinagsamang pangalan nina Zuhl at Dolphy, ang ama ng aktor.

"BA'T KA NAMAN KASI UMILAG, ZUHL-PHY?," tanong ng Facebook user na si Dani.

Ayon naman kay Emm Edurise, kuhang-kuha ni Epy ang humor ng King of Comedy.

Mapapanood ang Voltes V: Legacy Lunes hanggang Biyernes, alas otso ng gabi sa GMA Telebabad, GTV, I Heart Movies, at Pinoy Hits.

Maaari rin itong mapanood online kasabay ng pag-ere sa TV via Kapuso Stream.

Magiging available naman ang full episodes at episodic highlights ng Voltes V: Legacy sa GMANetwork.com at sa iba pang GMA owned and operated online platforms.

KILALANIN SI VAIZANGER SA GALLERY NA ITO: