What's Hot

Epy Quizon, mayroong ilang hinanaing patungkol sa pelikulang 'Heneral Luna'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 28, 2020 12:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Trump wants nations to pay $1 billion to stay on his peace board, report says
Girl, 7, hit, run over by pickup truck in Ilocos Sur; dies
'Heated Rivalry' star Hudson Williams makes runway debut at Milan Fashion Week

Article Inside Page


Showbiz News



Alamin ang reaksiyon ng aktor hinggil sa tanong na: "Bakit hindi tumatayo ang karakter ni Epy Quizon sa pelikulang 'Heneral Luna'?"
BY FELIX ILAYA

Dahil sa pagkapili nito bilang official entry ng Pilipinas sa Oscars 2016 at sa pagkaka-extend ng theatrical run, maituturing na isang success ang 'Heneral Luna' para sa lokal na industriyang pelikula.

READ: 'HENERAL LUNA' OFFICIAL ENTRY NG PILIPINAS SA OSCARS 2016

Ngunit sa kabila ng mga papuri mula sa mga critics, historians, at artista, tila may ilan-ilan pa rin itong natanggap na nakapagtataka at nakalulungkot na reaksiyon mula sa iba.

READ: CARLA ABELLANA, GUSTONG MAPABILANG SA SEQUEL NG 'HENERAL LUNA 

Nagsalita si Epy Quizon, ang gumanap bilang "Sublime Paralytic" na si Apolinario Mabini, tungkol dito.
 
Isa sa mga ito ay ang pagsikat ng isang post sa Twitter kung saan nagtataka ang manonood kung bakit hindi tumatayo ang karakter ni Epy sa pelikula.

Binagyang-diin din niya ang kahalagahan ni Mabini para sa Kapatiran. "Iba 'yung picture namin kay Mabini eh, 'yung pagka-grand ni Mabini was not how he spoke the words, it's what he spoke about. Siya yung nag-dikta nung rebolusiyon, siya yung nag-strategize nung political system ng Kapatiran noon. That's how we should remember Apolinario Mabini. Siya 'yung chess player, chess pieces lang tayo."
 
Kinaka-galit din ni Epy ang patuloy na pagpirata ng kanilang pinaghirapang pelikula.

Sarili pinili nyo eh!!!

Posted by Epy Quizon on Friday, September 25, 2015
Makikita sa litrato na naka-upo si Epy kagaya ng kaniyang karakter. May hawak itong isang piniratang kopya ng 'Heneral Luna' at may caption na "Sarili pinili niyo, eh!!!"
 
Tinutukoy nito ang isang linya na binitawan mismo ni Heneral Luna sa pelikula. "Negosyo o kalayaan? Bayan o sarili? Pumili ka!"