GMA Logo My Husbands Lover
What's on TV

Eric and Vincent's boundless love | 'My Husband's Lover' Recap

By Cara Emmeline Garcia
Published July 6, 2020 6:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magnitude 5.3 earthquake hits offshore Sultan Kudarat
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

My Husbands Lover


Isang malaking sorpresa ang sumalubong kay Vincent (Tom Rodriguez) na tunay na nagpasaya sa kanyang puso. Balikan ang mga nangyari sa 'My Husband's Lover.'

Pansamantalang umeere ang rerun episodes ng groundbreaking series na My Husband's Lover sa GMA.

Dahil tuluyan nang naghiwalay sina Lally (Carla Abellana) at Vincent (Tom Rodriguez), nakita ito ng nahuli bilang isang oportunidad para magbagong buhay.

Una na diyan ang pag-imbita ni Vincent kay Eric (Dennis Trillo) sa kanyang bagong bahay upang manghingi ng patawad at ayain siya na magsama muli bilang magkasintahan.

Hindi natiis ni Eric ang tibok ng kanyang puso kaya naman napuno ng galak at saya si Vincent matapos siyang sorpresahin ng tunay niyang minamahal.

Handa na kaya ang dalawa para ipaglaban ang relasyon nila sa lahat?

Patuloy na panoorin ang My Husband's Lover tuwing Linggo, 11:15 pm, pagkatapos ng The Boobay at Tekla Show.

Huwag palampasin ang aired episodes nito na mapapanood sa official website ng GMA Network o sa GMA Network app.