
Umabot ng 16 taong kasal si Eric Fructuoso sa non-showbiz wife niyang si Gian, bago sila tuluyang naghiwalay noong 2021. Sa 'Fast Talk with Boy Abunda' nitong Miyerkules, August 5, inamin ng aktor na nasa isang bagong relasyon siya ngayon.
Pagbabahagi ni Eric, apat na taon na silang in a relationship ng kaniyang partner na inilarawan niyang “the best.”
“She treats me like a king. So she lives like a queen. Kasi alam mo 'yung tradition, lalo na dito sa atin na ina-under 'yung lalaki? Hindi pwede 'yung ganu'n, e. Kailangan 'yung lalaki, sabi nga, you have to submit to your guy, 'di ba?” sabi ni Eric.
Nilinaw naman ni Eric na hindi niya nire-require ang kaniyang partner na mag-submit sa kaniya. Sa halip, nakasulat umano ito sa libro.
“The good thing about my partner now is iisa lang 'yung puso namin when it comes to the big boss up there. So nagkakasundo kami and our relationship, maganda because inuuna namin lagi si Big Boss,” sabi ng aktor.
RELATED CONTENT: BALIKAN ANG SIMPLENG BUHAY NI ERIC SA GALLERY NA ITO:
Matapos ang pinagdaanan sa relasyon nila ni Gian, at maging sa past celebrity relationships niya, isang leksyon ang naiwan kay Eric: “Probably do not give too much.”
“Kasi ako, I still do, pero mahirap kasi. I keep myself busy. Hindi pwedeng dito na lang lagi, Like 'yun, I run, I go to the gym. Ginagawa ko lahat 'yun para may sarili akong time sa sarili, may sarili siyang time sa sarili. It's more on giving each other the right space,” sabi ng aktor.
Dahil napag-usapan na rin ang leksyon, ibinahagi na rin ni Eric ang pagkakamaling nagturo sa kaniya nito, “Ang pinakamalaking pagkakamali ay kapag pinipilit mong ikaw ang laging tama. Kahit ano'ng mangyari, si misis ang laging tama. Dapat 'yun lang.”
Panoorin ang panayam kay Eric Fructuoso dito: