GMA Logo eric fructuoso
Celebrity Life

Eric Fructuoso, sinimulan ang mga negosyo sa halagang P5,000

By Racquel Quieta
Published September 5, 2021 3:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan, shear line, easterlies to bring cloudy skies, rains on Monday
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

eric fructuoso


Naiyak din ang former Gwapings member nang balikan ang panahon na wala siyang maibigay pang-tuition fee ng mga anak.

Ibinahagi kamakailan ng aktor na si Eric Fructuoso sa vlog ni Ogie Diaz kung paano niya sinimulan ang kanyang mga negosyo na Gwapings Moto at Gwapigs Porkchop.

Nagsimula raw ang lahat noong panahon ng pandemya at bumili si Eric ng motor.

Ayon kay Eric kapos ang kanyang pera noon para sa motor na kanyang gusto kaya ang affordable scooter na lang muna ang kanyang binili.

Nang malaman daw ng mga netizens ang gamit na scooter ni Eric ay natuwa sila at agad dumami ang followers at likes ng Facebook group ng riders na kinabibilangan niya.

Eric Fructuoso ibinahagi ko paano niya sinimulan ang mga negosyo sa halagang Php5,000 / Source: Ogie Diaz (YouTube)

Nung in-add ako sa isang Facebook group, I think nag 17,000 likes agad mabilisan. Tappos tinitingnan ko, sabi ko, 'Balewala 'yung mga likes na 'yan kung hindi magiging pera 'yan eh.' (laughs) Kailangan may mangyari diyan eh.

“Sinimulan ko 'yung pangalan, hashtag-hashtag lang #GwapingsMoto.”

Bukod pa doon ay nag-viral din si Eric dahil inakala ng lahat na totoo ang larawan niya kung saan makikita siyang namamasada ng tricycle.

At dahil nga sa viral photo niya na 'yon ay may isang kumpare siya sa showbiz ang biglang nagpadala ng P20,000 na tulong sa kanya.

“Sabi ko, 'Bro, hindi mo naman ako kailangan padalhan ng pera. Ano ka ba?! Hindi ko sinasabing okay ako (at) hindi ko kailangan, pero mabubuhay ako.'

“'Kasi balita ko nagta-tricycle ka na raw.' So, akala niya totoo 'yung nag-trend noon na nagta-tricycle ako.”

Ayon kay Eric, gusto lamang niya maka-inspire ng ibang tao kaya siya nagpa-picture ng ganoon.

Noong una raw, pinost lamang niya ito para sa mga tulad niya na mahilig sa Jordan na sapatos ngunit kinalaunan ay naging inspirational daw ang dating ng larawan.

“So, sa group na-appreciate nila 'yung 'Uy ang ganda ng suot niya. Ang ganda ng sapatos niya.' Pero nung pinost ko na sa Instagram, pinost ko sa Facebook, iba na 'yung dating. Maraming na-inspire. Nakakatuwa.”

At nang dahil nga sa trending photo niya na ito ay pinadalahan siya ng P20,000 na tulong ng kanyang kumpare sa showbiz.

Noong una ay ayaw niya sana itong tanggapin, ngunit napadala na pala ito sa isang money remittance service.

Kaya tinanggap na lamang ni Eric ito at ibinigay ang P10,000 sa nanay ng apat niyang anak at Ph,000 naman para sa kanyang ina kung saan siya nakitira panandalian.

Ang natirang P5,000 daw ang ginawang puhunan ni Eric. Nagsimula raw siya magbenta ng caps at iba pang merchandise ng pinasikat niyang hashtag na #GwapingsMoto.

Lumago raw ito agad at ang kinita niya rito ang ipinangpuhunan niya sa kanyang motorcycle shop.

At matapos naman niya me-establish ang shop niyang Gwapings Moto, sinimulan naman niya ang pangarap niyang food business na Gwapigs Porkchop, at kasalukuyan din siyang may inaasikaso pang isang negosyo.

Naiyak pa nga si Eric nang ikuwento na noon ay hindi siya makapagbigay ng pang-tuition fee ng kanyang mga anak, pero simula nang kumita raw siya ay binayaran niya ito ng cash.

“Alam mo 'yung hindi ako makapag-provide sa tuition, 'di ba? (pauses) Tang *na cash!

Dagdag pa ni Eric, “'Yung feeling na dati wala ka, tapos ngayong 'paag maglalabas ka ng pera…ang sarap lang ng feeling. Lahat ng ginagawa mo para sa anak mo.”

Mapapanood ang kabuuhan ng inspiring journey ni Eric Fructuoso bilang isang negosyante at isang soon-to-be lolo at only 44 years old sa vlog ni Ogie Diaz.

Tingnan ang iba pang celebrities na nagsimula ng food business ngayong pandemya sa gallery na ito.