GMA Logo eric fructuoso
Source: Fast Talk with Boy Abunda
What's on TV

Eric Fructuoso, unang naging girlfriend si Claudine Baretto; nilinaw na hindi naging girlfriend si Toni Gonzaga

By Kristian Eric Javier
Published August 6, 2026 12:06 PM PHT
Updated August 6, 2026 12:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE- PCO press briefing (August 6, 2026) | GMA News
Asia Society Philippines celebrates ASEAN and Asian culinary heritage at Asian Eats 2026
Mayor denies Cebu City is supporting Pax Silica project

Article Inside Page


Showbiz News

eric fructuoso


Pinabulaanan ni Eric Fructuoso na babaero siya noon, "Hindi ganu'n, mapagbigay lang."

Pinatunayan ng aktor na si Eric Fructuoso kung bakit isa siya sa gwapings dahil sa celebrity relationships na nagkaroon siya noon. Sa katunayan, isa sa mga naging unang girlfriend niya ay si Claudine Barretto.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, August 5, nilinaw ni Eric ang mga sabi-sabi tungkol sa kaniya noon na babaero diumano siya.

Paglilinaw ng aktor, “Kasi ang daming nagsasabi na babaero, hindi. Hindi ganu'n, mapagbigay lang. Ewan ko, siyempre, bata pa tayo nu'n, 'di ba?”

Binalikan din ni Eric ang mga celebrities na nakarelasyon niya noon. Isa rito ang aktres na si Ara Mina na inilarawan niya bilang puppy love.

“Very beautiful, very beautiful si Hazel. At saka eventually, siyempre, bata pa naman kami nu'n, pero we're good friends now,” sabi ni Eric, na tinawag ang aktres sa tunay nitong pangalan.

Nang ipakita naman ang litrato ni Claudine, sabi ni Eric, “Ah, 'yan, sinabi naman niya 'yan, siya yung first. Close kasi ako sa mga ate niya rin, e. Ako kasi, kapag may girlfriend, mas more on parang kaibigan na barkada. Playful.”

Nagde-date-date din umano noon sila ni Joyce Jimenez. Isa raw sa mga nagustuhan niya noon sa aktres ay ang pagiging prangka nito.

TINGNAN ANG SIMPLENG BUHAY NI ERIC FRUCTUOSO SA GALLERY NA ITO:

Nilinaw naman ni Eric na hindi sila nagkaroon ng relasyon ng aktres na si Abby Viduya, na asawa na ngayon ng kapwa niya Gwapings member na si Jomari Yllana.

“Hindi naging kami, pero we were very close kasi siyempre we were very close kay Tito Dougs, I mean, kami-kami lagi ang magkakasama, pero hindi naging kami,” sabi ni Eric.

Si Douglas Quijano ay ang yumaong talent manager ng Gwaping at iba pang mga kilalang showbiz personalities.

Gaya ni Abby, hindi rin sila nagkatuluyan noon ni Aubrey Miles. Aniya, MU o mutual understanding lang ang meron sila noon ng aktres, pero hindi naman umabot sa malalim na relasyon.

Binawi naman ni Eric ang sinabi niya noong 2023 sa Sarap, 'Di Ba? na nagkaroon sila ng relasyon ni Toni Gonzaga. Sa halip, sinabi niyang crush-crush lang niya noon ang TV host-actress.

Panoorin ang kabuuan ng kuwento ni Eric Fructuoso sa Fast Talk With Boy Abunda: