
Napabilib ang dating rugby player turned actor na si Eric Tai nang maka-eksena niya ang Sparkle actor na si Anton Vinzon sa high-rating afternoon series na Kamao.
Bida sa Kamao ang former Pinoy Big Brother housemate na gumaganap bilang Mak-Mak, at sa isang episode nakasuntukan nito sa isang underground boxing match si Boy Saltik na pino-portray naman ni Eric Tai.
Nang makapanayam ng GMANetwork.com si Eric sa special movie screening ng 'Super Girl' sa Mall of Asia sa Pasay City, sinabi nito na napakalaki ng 'potential' ni Anton bilang aktor.
“Respect to that guy [Anton], magaling, magaling 'yung batang 'yun. And he is only 18-years-old, he got the world ahead of him. Good looking guy, pogi, matangkad [and] action ang dating din. Kaya niyang mag-action, kaya niyang mag-drama,” ani Eric.
Bilang dating athlete, natutuwa si Eric Tai na makita ang GMA Network na gumawa ng sports drama genre na makakatulong para sa maraming Pilipino na subukan ang sports.
Paliwanag niya, “I think its great for the community, especially we are sports oriented e. Sa ngayon, sa totoo lang [ang mga ] Pilipino is on the map on different types of sports worldwide.
“We are doing a great job on it and it all comes down to the influence 'yung mga tao, 'yung mga nangyayari sa teleserye, 'yung mga nangyayari sa pelikula, everything is influenced, [even] social media. And that has always been my parang drive rin na ever since naging content creator to drive positivity, the mindset of being an athlete, health, wellness.”
Obserbasyon pa ni Eric sa Kamao, “When I've heard about it [Kamao] like [sinabi ko] magki-click to. Magki-click 'to.”
Source: GMA Network
Napanood din si Eric Tai sa GMA Prime series na The Master Cutter na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes. Gumanap siya bilang si Vladimir na isa sa mga shady business partner ni Red Regalia. (Paolo Contis)
RELATED CONTENT: Meet Anton Vinzon, the boy next door who steals hearts