GMA Logo Erik Santos
Source: eriksantos (IG)
What's Hot

Erik Santos, aminadong hirap na hirap sa magkasunod na pagpanaw ng kanyang mga magulang

By Aedrianne Acar
Published August 17, 2023 5:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DOJ official: Discaya couple should return ill-gotten assets, if any, to state
Woman bashed on the head with hammer by ex-BF

Article Inside Page


Showbiz News

Erik Santos


Saan humuhugot ng lakas ang 'I'll Never Go' hitmaker na si Erik Santos matapos pumanaw ang kanyang ina at ama?

Hindi pa man ganap na nakaka-move on ang OPM singer na si Erik Santos sa pagpanaw ng kanyang ina na si Angelita noong Nobyembre ng nakaraang taon ay muling sinubok ang kanyang pamilya.

Ito ay nang kumpirmahin ni Erik na namatay na rin ang kanyang Daddy Nats o si Renato Aquino Santos noong August 10 .

CELEBRITIES WHO LOST A LOVED ONE THIS 2023:

A post shared by Erik Santos (@eriksantos)

Sa vlog ni Ogie Diaz na Showbiz Update, ibinahagi ng talent manager na nakapunta siya sa last night ng lamay at sa eulogy, umamin si Erik na hindi niya maipaliwanag ang halo-halong emosyon sa pagkawala ng kanyang mga magulang.

Sabi ni Erik “It's been really tough for everyone in the family. Losing my mother is unbearably painful for me, but losing both your parents, parang hindi ko na ma-explain kung saan pa kukunin 'yung strength and 'yung courage na kailangan ng buong pamilya para ma-sustain po kami.”

“Pero, hindi po 'yun ang gusto ni Tatay. Ang gusto ni Tatay, happy [at] chill lang.”