
Masayang kinuwento ng aktres na si Erin Ocampo na maayos ang relasyon nila ng singer na si Michael Pangilinan, ang ama ng kanyang limang taong gulang na anak na si Kiel.
Pagkatapos ng kanyang contract renewal sa GMA Artist Center, kinuwento ni Erin sa GMANetwork.com ang pagiging co-parent nilang dalawa ni Michael.
"Nung una lang kami nagkaroon ng problema kasi siyempre galing kaming hiwalayan. Pero ngayon, sobrang okay 'yung co-parenting namin," saad ni Erin.
"Hindi kami parating nag-uusap pero mag-uusap kami about sa bata. Kunwari nasa kanya, itatanong ko, 'Napainom mo na ba ng vitamins?' o kaya ipo-forward ko 'yung activities for today kasi baka makalimutan.
"Pero he's a very responsible father to my son. He is. He really loves our son.
Dagdag pa ni Erin, na mapapanood sa The World Between Us, kinalimutan niya na kung ano ang hindi magandang nangyari sa kanila ni Michael noon para sa kanilang anak.
Aniya, "Kahit ano pa 'yung past namin, ako kasi as a person I don't hold grudges, although marunong ako magalit sa tao pero hindi ako nagtatagal magalit sa tao kasi for that pinapahirapan ko 'yung sarili ko, 'di ba?
"So mas naging magaan 'yung life ko by doing that, na don't hold grudges to other people.
"So kami ni Michael, sobrang okay. Para kaming best friends pagdating sa anak namin."
Bukod kina Erin at Michael, kilalanin ang iba pang celebrity ex-couples na nanatiling magkaibigan para sa kanilang anak: