GMA Logo Ervic Vijandre
What's Hot

Ervic Vijandre, dream leading lady sina Bea Alonzo at Heart Evangelista

By Serina Joyce Duque
Published July 9, 2021 9:47 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Boracay tourism feels pinch of rising fuel prices
Get tested for free: why you must visit these diabetes screening hubs this April
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Ervic Vijandre


Ibinahagi ni Ervic Vijandre na sina Bea Alonzo at Heart Evangelista ang kanyang dream leading lady.

Pumirmang muli ng kontrata sa GMA Artist Center si Kapuso actor Ervic Vijandre kahapon, July 8.

Isang post na ibinahagi ni GMA Artist Center (@artistcenter)

Sa kanyang virtual interview kasama ang GMANetwork.com at ilang press, ikinuwento ni Ervic kung sino ang pangarap niyang maging leading lady.

"Well, if given the opportunity, I want to work with Heart Evangelista and newest Kapuso nating [si] Bea Alonzo," pahayag ng aktor.

Sa Kapuso network sinimulan ni Ervic ang kanyang showbiz career matapos maging contestant ng reality show na Survivor Philippines: Celebrity Showdown noong 2010.

Magmula noon, napabilang na siya sa iba't ibang GMA shows and teleseryes kagaya ng Captain Barbell (2011), Encantadia (2016), at Cain at Abel (2018),

Bumida rin siya sa ilang episodes ng "Wish Ko Lang," "Magpakailanman," at "Karelasyon."

Taong 2015 nang unang pumirma ng kontrata sa GMA Artist Center ang aktor. Kaya ngayong 2021, labis-labis ang pasasalamat niya sa patuloy na pagtitiwala sa kanya ng talent management agency arm ng Kapuso network.

"Sobrang thankful ako, sobrang nagpapasalamat ako sa bagong opportunity sa akin.

"Sobrang alaga ako at sobrang blessed ako with GMA. Lalo na sa panahon ngayon na maraming nawalan ng trabaho, ngayong binigyan ako ng pagkakataon ulit, wala na akong mahihiling pa.

"Para sakin, dito na ako nagsimula, feeling ko dito ko na rin tatapusin."

Kung mayro'n naman daw siyang mahihiling pa, iyon ay ang mabigyan ng iba pang kwelang characters gaya ng naging role niya sa 2018 sitcom na "A1 Ko Sa 'Yo."

"Yung si Errol ako, para sa'kin medyo close sa personality ko 'yun eh. 'Yung palabiro, palaasar, comedy. 'Yung light lang, kabaliktaran nung lagi kong nagiging role sa teleserye na bad guy, kontrabida," saad ni Ervic.

Kamakailan lang, gumanap na ama ng batang Nelson si Ervic sa teleseryeng "Ang Dalawang Ikaw."

Nang tanungin kung anong reaksyon niya sa mga nagalit na viewers sa kanyang karakter, sagot ng aktor: "The more na galit sila, mas okay 'yun para sa'kin. Ibig sabihin, mas effective ako as an actor."

Kilalanin ang iba pang newly-signed talents ng GMA Artist Center sa gallery na ito: