
Pansin ni Erwan Heussaff na kay Anne Curtis nagmana ang kanilang anak na si baby Dahlia Amelie.
Nananatili sa Australia ngayon ang pamilya nina Erwan at Anne. At sa kada buwang pagtanda ng kanilang anak na babae ay gumagawa sila ng home pictorials para i-celebrate ito.
Nang kunan ng litrato si baby Dahlia para sa kanyang 8th month, hindi maitanggi ni Erwan na may namana ang kanilang anak kay Anne.
Aniya, “Positive energy. I'm so happy she got her mom's smiles.”
Ilang celebrities din ang kinagiliwan at pinanggigilan ang mga nakakatuwang litrato ni baby Dahlia. Kabilang dito ang kanyang tita na si Jasmine Curtis-Smith.