
Matapos rumampa ni Precious sa school, magpapakitang gilas naman siya sa Bubble Gang ngayong Linggo.
Yes, ang gumaganap na Precious na si Esnyr ay isa sa A-list celebrities na guest ng Pambansang comedy show sa part-two ng kanilang 30th anniversary special ngayong October 26.
Sa panayam ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemate sa 24 Oras, ibinahagi niya ang experience na maka-eksena ang Bubble Gang comedienne na si Chariz Solomon.
“Sobrang nakakataba ng puso po na maka-work si Miss Chariz Solomon, kasi siya yung kasama ko sa skit na ito. And ang saya pala talaga sa set, parang hindi ka nagte-taping.” Kuwento ni Esnyr sa "Chika Minute".
Dagdag niya, “Kumbaga kanina sobrang fun lang po! Batuhan lang ng mga joke ganiyan, tapos harutan.”
Source: 24 Oras
Sobrang pinag-usapan naman ang hit "Ciala Dismaya" sketch ni Michael V. na sinabi ng fans na napapanahon at socially relevant.
Ayon sa Ka-Bubble na si Cheska Fausto, ito raw ang paraan nila sa gag show para gawing light ang mga pinagdadaanang problema ng mga Pilipino.
Aniya, “Sobrang seryoso na natin in our everyday lives and I guess this is also one way to lighten up a bit 'yung mga iniisip natin, yung mga pinagdadaanan natin. Kahit konti-konti, but still it's based on what's really happening.”
Samantala para naman sa Your Honor host na si Buboy Villar, hindi raw nito malilimutan nang minsan ini-spoof ng Bubble Gang ang isa niyang commercial noong bata pa siya.
Lahad ni Buboy sa 24 Oras, “Bata pa lang ako, nasa Cebu pa lang ako, nanonood po talaga ako ng Bubble Gang. Nung nag-artista po ako, sobrang saya ko, kasi meron akong commercial, yung spaghetti. Yung spaghetti namin pinarody, ini-spoof nina Kuya Bitoy at Kuya Ogie.”
Kung nabitin kayo, mga Batang Bubble, don't worry dahil mapapanood ang part-two na grand 30th anniversary concert sa Sunday Grande sa gabi, October 26, sa oras na 6:10 p.m., pagkatapos ng 24 Oras Weekend.
RELATED CONTENT: Prime stars featured on 'Bubble Gang''s 30th anniversary special