GMA Logo esnyr
What's Hot

Esnyr, may parody sa 'PBB' nomination at eviction night

By Kristine Kang
Published November 5, 2025 10:50 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Eid'l Adha sa Mayo 27, 2026, idineklarang regular holiday ng Malacañang
Bacolod radio anchor suspended over rape jokes
A tangy twist on your favorite Bangus Sinigang | Farm To Table

Article Inside Page


Showbiz News

esnyr


Esnyr: host, evictee, at singer as one!

Tila hindi pa rin maka-move on ang former housemates ng unang season ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition!

Sa isang post ni Klarisse De Guzman, masayang binalikan ng PBB stars ang ilang iconic moments sa loob ng Bahay ni Kuya.

Tawanan ang lahat sa video nang gayahin ni Esnyr ang hindi malilimutang nomination at eviction night.

Kasabay ng intense background music, kuhang-kuha ni Esnyr ang nakakakabang vibes tuwing nominasyon. Pati na rin ang istilo ng mga host sa pag-anunsyo, gaya rin ng influencer.

"Nasa aking kamay ang mga nominado ngayong gabi," ani Esnyr habang hawak ang red envelope. "Ang bilang ng mga nominado ngayong gabi ay...tatlo."

Ngunit sa halip na suspense, biglang dumiretso si Esnyr sa pag-anunsyo ng evicted housemate.

"Ikaw ay nominado ngayong gabi...Esnyr! I'm sorry you just been evicted tonight [in the] PBB house," sabi niya.

Hindi lang host o evictee ang ginampanan ni Esnyr. Pati na rin ang pagkanta sa eviction song na “Paalam Muna Sandali” ni Darren Espanto.

"GRABENG EVICTION TO!!" caption ni Klarisse sa post.

Ang naturang video ay umabot na sa mahigit 1.2 million views at 80,000 reactions sa Facebook. Dinumog din ito ng fans sa comment section na aliw na aliw sa PBB throwback ng ex-housemates.

"Host, evictee, and singer as one," biro ng isang netizen.

"Ex- housemates violations: Talking about inside PBB house," dagdag pa ng isa.

Sina Esnyr at Charlie Fleming ang nagwagi bilang Third Big Placers sa nakaraang season ng programa.

Samantala, bumalik muli si Esnyr sa Bahay ni Kuya bilang house guest sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Mapapanood ang reality competition nang live sa GMA at Kapuso Stream,

Silipin ang ilan sa bonding moments ng housemates sa outside world: