GMA Logo Yancy Panugon summa cum laude graduate and his lola
Source: GMA Integrated News/YT
What's Hot

Estudyanteng nagtapos bilang summa cum laude, nagbigay-pugay sa lolang nag-alaga sa kanya

By Kristian Eric Javier
Published June 20, 2023 10:02 AM PHT
Updated June 20, 2023 12:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NAPOLCOM warns, urges public to report fake socmed pages
Matibay na tulay, ipinatatayo sa Brgy. Puray ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust

Article Inside Page


Showbiz News

Yancy Panugon summa cum laude graduate and his lola


Sa tulong ng kanyang lola at ng isang guro, nakapagtapos ang isang estudyante bilang summa cum laude.

Malaking tagumpay na para sa kahit sinong estudyante ang makapagtapos sa kolehiyo pero ang makapagtapos bilang isang summa cum laude ay isa nang karangalan kaya naman lubos ang pagbigay-pugay ni Yancy Panugon sa kanyang Mamang Norma na nag-aruga sa kanya, kahit pa bulag na ang isa nitong mata.

Ayon sa acceptance speech ni Yancy sa kanilang graduation ceremony na ipinakita sa 24 Oras, bata pa lang daw siya ay umalis na ang Mama niya para magtrabaho sa Manila mula Iloilo. Simula noon, ang kanyang lola na ang nag-aruga at nag-alaga sa kanya, kahit pa bulag ang isa nitong mata.

Kuwento ng binata, “I can still remember the nights when lola had to hold the flashlight over my books so that I can see what I was reading and writing. Sometimes, my teachers would ask me why my project have drops of melted candles on them.”

Inamin din naman ng binata na kahit hindi niya sinusukuan ang mahirap na buhay, minsan ay tinatalikuran niya ito. Sinabi niyang sa mga librong binabasa niya at mga assignments niya inililihis ang atensyon niya, at sa mga kaibigan naman siya nakakakuha ng escape emotionally.

“Kaya minsan, gabi na ako umuuwi at minsan, mas pipiliin kong makitulog na lamang sa kaklase ko,” dagdag nito.

Ngunit isang guro na ayaw magpakilala sa telebisyon ang tumulong sa kanya. Hindi lang siya binigyan nito ng pagkain, pinatuloy pa siya nito sa kanilang bahay upang magkaroon ng maayos na lugar para makapag aral.

Sa huli, ay inilahad ni Yancy ang leksyon na natutunan niya mula sa tulong ng kanyang guro. “To survive does not mean to compete, you just need to collaborate because no man is an island and it will always take a village to raise a child.”

Bukod pa dun, ibinahagi din niya ang natutunan naman niya sa mga sakripisyo at tulong ng kanyang lola.

“Huwag icompare 'yung struggles mo sa iba kasi magkaiba 'yung bigat ng mga pinagdadaanan natin. Magkaiba yung ways kung paano kayo dumiskarte sa buhay,” sabi nito.

SAMANTALA, TIGNAN ANG PROUD CELEBRITY PARENTS SA MGA NAGTAPOS NILANG MGA ANAK: