
May ibinahaging advice ang mga Pinoy Big Brother 3.0 housemates na sina Ethan Benares, Calix Esguerra, at Nicole Fortuna.
Kahapon, November 25, napasabak sila sa aktingan, pagbibigay ng payo, at bigayan ng blessings sa morning variety show na TiktoClock.
Sina Ethan, Calix, at Nicole ay sumabak sa aktingan sa segment na "Heto na Nga,” kasama si Sugar Mercado. Bukod sa aktingan, nagbigay rin sila ng payo sa episode na ito tungkol sa mag-inang may hindi pagkakaunawaan dahil sa pagiging strikto nito sa anak.
PHOTO SOURCE: TiktoClock
Para kay Nicole, calm at mature conversation daw ang kailangan ng mag-ina.
"She should stay calm and say what she feels."
Sumang-ayon naman si Ethan sa sagot ni Nicole. Dagdag pa niya, "Ask for a bit of independence."
Samantala, ang saad ni Calix ay mag-reflect kung bakit pinaghihigpitan ng magulang. Ani Calix, "'Pag napag-usapan niyo na at nakita niya na nagbago ka, for sure, 'yung nanay mo hindi ka na paghihigpitan."
Bukod sa "Heto na Nga," naging bahagi rin sina Ethan, Calix, at Nicole ng bigayan ng blessing sa "Match Masuwerte"
Balikan ang kanilang pagbisita sa TiktoClock dito:
Patuloy na subaybayan ang happy time sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 am sa GMA at sa Kapuso Stream.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available rin ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.