GMA Logo Ethan Benares
What's Hot

Ethan Benares, dala ang pagiging sporty at determinasyon sa loob ng Bahay Ni Kuya

By Aimee Anoc
Published October 25, 2026 5:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

BI, nagbabala laban sa mga alok na trabaho sa Russia; Pinoy na patungong Russia, hinarang
Farm to Table: (October 25, 2026) LIVE
Arthur Nery treats top listeners with special fan experience and live performance

Article Inside Page


Showbiz News

Ethan Benares


Ipinakilala na si Ethan Benares bilang "Ang Sporty Palangga ng Bacolod" sa 'Pinoy Big Brother Collab 3.0.'

Handa nang ipakita ni Ethan Benares ang kanyang pagiging competitive at team player sa Bahay ni Kuya.

Sa pagsisimula ng Pinoy Big Brother Collab 3.0, kabilang si Ethan sa Kapuso housemates na ipinakilala bilang "Ang Sporty Palangga ng Bacolod."

Sa kanyang interview, ibinahagi ni Ethan ang excitement sa pagpasok sa loob ng Bahay ni Kuya.

"Hello po, ako nga pala si Ethan Benares mula sa Bacolod City," sabi niya. "What dragged me to PBB was this psychological experiment of it and meeting new people.

"As someone na mahilig sa sports, excited akong dalhin ang pagiging competitive ko at team player sa loob ng bahay."

Sa pagpasok bilang housemate, nais ni Ethan na maging proud sa kanya ang pamilya.

"Bukod dito, I want to learn more about myself. I wanna make my mom and my late lolo proud of me by chasing my dreams.

"Ngayon, dala ko ang pagiging sporty at determinasyon sa panibagong laban na 'to. At ready akong harapin ang bawat hamon and live every moment sa loob ng Bahay ni Kuya."

Noong July, nakilala si Ethan bilang "Ang Morenong Beach Boy ng Bacolod" sa Sparkle Campus Cutie Season 2.

Subaybayan ang journey ni Ethan at ng iba pang housemates sa PBB Collab 3.0 sa GMA at Kapuso Stream, Lunes hanggang Biyernes ng 9:35 p.m., Sabado ng 6:15 p.m., at Linggo ng 4:55 p.m.

KILALANIN ANG PBB COLLAB 3.0 HOUSEMATES SA GALLERY NA ITO: