GMA Logo Ethan Benares
Source: ethan.benares (IG)
What's Hot

Ethan Benares, nanawagan ng respeto para kay Mikee Quintos at kapwa PBB housemates

By Mark Joseph F. Carreon
Published November 21, 2026 12:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PINOYS AT SEA: Putting seafarers' mental health and family well-being first at Seafarers' Family Day 2026
Sparkle issues statement on Michelle Dee's withdrawal from MGI All Stars
OVP: Tree planting campaign not associated with Cale88 BOI compliance

Article Inside Page


Showbiz News

Ethan Benares


Ethan Benares sa online harassment na natatanggap ni Mikee Quintos: “Just respect one another. It's not hard to just be kind.”

Nanawagan ng respeto at pagiging mabuti sa kapwa ang dating Pinoy Big Brother Collab 3.0 housemate at Kapuso star na si Ethan Benares kaugnay ng matinding pambabatikos at online harassment na kinakaharap ngayon ng kapwa niya housemate at Kapuso actress na si Mikee Quintos.

Kamakailan, naglabas ng opisyal na pahayag ang Sparkle GMA Artist Center bilang pagtatanggol kay Mikee laban sa mga malisyoso at mapanirang komento sa social media.

Sa pagbisita niya sa episode ng Chika Cart nitong Biyernes, Nobyembre 20, tinanong si Ethan ng “Chika Authority” na si Jeff Fernando tungkol sa kaniyang reaksiyon dito at kung kumusta si Mikee bilang kapwa housemate noong nakasama niya ito sa loob ng Bahay ni Kuya.

Ayon sa Kapuso actor, naging malapit sila ni Mikee sa loob ng Bahay ni Kuya at hindi lang umano ang aktres ang nakararanas ng ganitong klaseng pambabash mula sa netizens.

“She's an amazing housemate. I was able to talk to her a lot. The bashing was not only towards ate Mikee, but it's towards everyone,” pagbabahagi ni Ethan.

Paalala pa ni Ethan sa mga tagasuporta at netizens, hindi kailangang manira o manghila pababa ng ibang tao para lamang maipakita ang suporta sa kanilang paboritong housemate.

“I've seen it online and I generally want to say na if you want to put someone up, especially your bias na housemate, you don't have to put other people down,” aniya.

Iginiit din niya na nababasa nila ang mga negatibong komento sa internet sa oras na lumabas sila sa loob ng reality competition at nagdudulot ito ng sakit sa kanilang damdamin, kaya't hinikayat niya ang publiko na pairalin ang kabutihan.

“Just respect one another. It's not hard to just be kind. Be kind to one another. Whatever you share on social media, we read that, so it hurts us as well,” dagdag pa niya.

Matatandaang naglabas ng opisyal na pahayag ang Sparkle GMA Artist Center kung saan ipinahayag nito ang kanilang pagkabahala sa mga malisyoso at mapanirang atake na kumakalat sa social media laban kay Mikee.

“It has come to our attention that certain fan groups and individuals, including accounts suspected of coordinated online harassment, have been engaging in malicious and defamatory attacks against Sparkle artist Mikee Quintos in connection with her participation in Pinoy Big Brother (PBB).

“Let this serve as a stern warning: Sparkle will not tolerate the deliberate use of social media platforms against any of our artists and will not hesitate to file the appropriate criminal charges,” pahayag ng talent agency.

Ayon sa Sparkle, handa silang gumawa ng kaukulang legal na hakbang at kasalukuyan nang masusing binabantayan at idinodokumento ang mga post, komento, at account na sangkot sa pambabatikos.

“We are closely monitoring these activities and documenting the posts, comments, and accounts involved. We, at Sparkle, respect healthy competition, differing opinions, and the freedom of fans to support their chosen artists,” dagdag nito.

Muling ipinaalala rin ng Sparkle ang kanilang adbokasiya na “CLICK KINDNESS” at hinikayat ang mga tagahanga na magpalaganap ng positibong mensahe sa pagsuporta sa kani-kanilang idolo.

Samantala, panoorin ang Chika Cart para sa hottest and trending showbiz stories. Mapapanood ito Lunes hanggang Biyernes, 5:15 p.m. hanggang 6:00 p.m. sa GTV, ATM (Adventure.Taste.Moments) YouTube at sa GMA Network TikTok account!

Mapapanood din ang catch-up episode sa Kapuso Stream tuwing 9:30 p.m.

Huwag din palampasin ang Chika Cart Add Pa More! tuwing 6:00 p.m. hanggang 6:30 p.m. sa ATM (Adventure.Taste.Moments) YouTube at sa GMA Network TikTok account.

Manatiling updated sa mga pinakabagong chika, exclusive content, at trending topics sa pamamagitan ng pagbisita sa opisyal na GMA Network website at social media pages ng Chika Cart:

Facebook: https://www.facebook.com/ChikaCartGTV

Instagram: https://www.instagram.com/chikacartgtv/

X: https://x.com/ChikaCartGTV

Related Gallery: Bacolod's heartthrob Ethan Benares winning hearts in 'PBB Collab 3.0'