
Sa isang maikling video, ipinakita ng komedyanteng si Ethel Booba ang mukha ng kanyang baby na si Michaela.
"Hello daw sa inyo sabi ni Baby Michaela, my Little Booba. Charot!" sulat niya sa kanyang Twitter account.
Hello daw sa inyo sabi ni Baby Michaela, my Little Booba. Charot! pic.twitter.com/AcR168G8K2
-- Ethel Booba (@IamEthylGabison) February 28, 2020
February 14 nang unang inanunsiyo ni Ethel sa Twitter na dumating na ang baby nila ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Jessie Salazar.
Hindi niya ipinakita ang mukha nito. Sa halip, binti at paa lang ng bagong panganak na si Michaela ang ibinahagi niya.
Welcome to this world Little Booba. Charot! pic.twitter.com/MhWXb1YoMz
-- Ethel Booba (@IamEthylGabison) February 14, 2020
Sa guesting naman sa isang noontime show guesting noong nakaraan Nobyembre niya unang inilahad na siya ay nagdadalantao.