GMA Logo Ethel Booba
Source: Your Honor
What's on TV

Ethel Booba, ninakawan ang townhouse na nabili niya matapos magtrabaho sa Japan

By Aedrianne Acar
Published November 29, 2026 10:28 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Roads near Monumento Circle closed for Bonifacio Day
Daig Kayo Ng Lola Ko: May babala ang mga nabubuhay na laruan!
'Amir' official poster inilabas na!

Article Inside Page


Showbiz News

Ethel Booba


Former host ng 'Extra Challenge' na si Ethel Booba ay nabiktima ng mga magnanakaw noon!

Nakatikim muna ng matinding pagsubok ang comedienne at singer na si Ethel Booba bago nanalo sa contest na Sing-Galing.

Sumalang ang comedy star sa Your Honor hosted by Madam Chariz Solomon at Vice Chair Buboy Villar para sa session nila na pinamagatan na “In Aid of Being Ethel: Beauty or Brains.”

Inusisa ng Your Honor host si Ethel kung paano siya napasali sa Sing-Galing.

Kuwento ng former Extra Challenge host sa YouLOL podcast, “May kuwento 'yan kung bakit ako sumali ng Sing-Galing. Wala naman akong plano mag-artista.”

“Wala naman talaga akong plano mag-artista. Kasi, galing ako ng Japan parang magkasama kami ni Rey Kilay, pero sinama niya ako ng Japan nag-roadshow kami parang naikot namin 'yung buong Japan,” dagdag ni Ethel.

Dahil sa pagsusumikap niya sa Japan, nakabili ang sikat na comedienne ng townhouse sa Commonwealth area.

Aniya, “Pagkabalik ko, nakabili ako ng bahay ganun sa Commonwealth, binili ko talaga agad, ubos talaga ganiyan. Lahat talaga ng kinita ko binili ko na ng townhouse lang naman 'yun.

“Ang pangarap ko kasi napunta nga kami sa Gensan 'di ba yun nga 'yung sinabi ko tinapon kami. Tapos sabi ko 'yung mga kapatid ko kukunin ko para sama-sama kami, e di, 'yun ang pangarap ko- bumili ako ng townhouse, 'tapos unti-untiin ko 'yung mga kapatid ko dadalhin ko dun.”

Pero naging bangungot ang mga sumunod na nangyari nang nilooban ng mga magnanakaw ang kaniyang townhouse at nilimas ang mga gamit.

“Kala siguro ng magnanakaw foreigner ako, ninakawan kasi ako nun sa bahay.” Nkapanlulumong sunod na kuwento ni Ethel Booba: “As in nilimas talaga 'yung lahat ng mga gamit as in wala na talaga. Tapos, ang nangyari noon pag-uwi nung gabi kita ko pa 'yung magnanakaw, naabutan ko pa.”

Sinigawan pa raw ni Ethel ang mga magnanakaw. Alaala niya, “Tapos, iniwan nila 'yung TV, tumakbo sila. 'Yung TV naiwan pa nila.”

Dahil daw sa natirang TV dun siya biglang nagka-idea para sumali ng Sing-Galing. Lahad niya sa Your Honor, “Tapos, nanood ako nun, 'pag Sunday 'yung Sing-Galing. Tapos, meron contest sabi ko ganun, 'Ay, PhP 25,000, sali kaya ako para mapagawa ko 'yung gate.'”

“Papagawan ko ng gate para [hindi] mapasok. Para mapalagyan ko ng rehas,” saad pa niya.

READ: KALURKS!: Ethel Booba sa 10-year relationship nila ni Jessie Salazar: 'Super happy kami'

Balikan ang full interview ni Ethel Booba sa Your Honor.